Saturday, March 31, 2007

Maganda ba?

Kadalasan, ito ang tinatanong kapag alam ng ibang tao na nanood ka ng sine. Nais nilang malaman kung maganda ang pinanuod mong palabas o hindi. Minsan pa nga, ito ang nagiging basehan kung papanoodin din nila ang isang pelikula. Ngunit, minsan ito'y isang kamalian. Hindi naman kasi dapat maging dahilan ang opinyon ng iba para mag desisyon ka sa mga bagay tungkol sa sarili. Sabi nga, ang taong nanininwala sa sabi sabi ay walang bait sa sarili. Oo nga minsan hindi naman sabi sabi lang ang paniniwala ng iba ngunit ito'y may pagka-personal din ang dahilan. Sa sine, halimbawa, ang aking napanood ay hindi ko masabi talaga na ito ay maganda o pangit ngunit ito naman ay aking talagang nagustuhan.

Sige, hanggang sa muli kong pagtatagalog. Nawa'y maging maganda ang iyong araw!!!

No comments: